Tuesday, February 15, 2011

Handog sa araw ng mga puso


RA!ra…ra…ra…ra…ra!
Ito’y hindi mga titik na kinuha sa kanta ni Lady Gaga
ito’y sa halip ay mga huling letra sa salitang “para”!
Ako’y biglang nagising sa aking munting panaginip
Mula sa trapiko na nagdulot ng matinding pagkainip!

Make-up na unti-unting nalulusaw dulot ng nagpapaligsahang pawis
Mga usok na nagbubugahan sa aking mamulamulang face
Pasensya mula sa kamalasan na patuloy nang nagsisinipis
Maamong mukha na sadyang di na maiguhit ng lapis

Tweet!tweet!tweet!
Ito’y salita na di galling sa sikat na social networking site
Ito’y sa halip mga ibon na nagsisiikotan sa aking sight
Sa biglang preno ni manong driver para sa chicks na pasahero
Ako’y tila nagkaamnesia sa tindi ng untog sa aking hero

Oww my!  Bakit di ko man lang siya napansin
mula sa aking tabi siya’y sa akin nakatingin
Mga titig ng mga mata na kay hirap iwaglit
Oh kay ganda ng titig at ako’y tila naakit

Mga mata ko’y aking pinikit at ako’y nanalangin
Oh sinasakyang jeep ay bigla sanang  harangin
Ng welga o ng mmda na di pa nakakakain
Kunting panahon ang  nawa’y mapasa amin
Isang malanding saad ng pusong humihiling